Human Resource Management Office
Taysan, Batangas
Organizational Chart
Engr. Clarisse A. Comia
Municipal Agriculture Officer
News and Events
Here are the latest news and program of the Municipal Agriculture Office
Here are the latest news and program of the Municipal Agriculture Office
Look: Lgu-taysan Program Implementation Of Engrandeng Serbisyo: Conduct Of "Barangay Agri-caravan" Thru The Municipal Agriculturist Office On February 22-28, 2022 Until March 01-21, 2022 @ 9:00 A.m.
Ang BRGY AGRI-CARAVAN ay inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Taysan, Batangas, sa pamamagitan ng programa ng Municipal Agriculturist Office, na kung saan maaring mag- avail ng iba't-ibang enGRANDEng Serbisyong pang Agrikultura tulad ng sumusunod:
Farmer's Registration
Insurance para sa mga alagang hayop
Anti Rabies Vaccination
Seedlings distribution at iba pa
Maaring makipagugnayan sa Brgy Animal Health Worker (BHAW) na nakatalaga sa bawat barangay o sa Municipal Agriculturist Office para sa iba pang mga detalye.
Launching And Awarding Of Check For The Community-based Swine Production Through Clustering And Consolidation Project
JANUARY 12, 2022: Pormal na iniabot nina Dr. Rene Santiago, OIC-Center Director ITCPH, Dr. Jonathan Sabiniano, Assistant Director for Production and Research BAI, at Engr. Margarita Crizaldo ang Tseke na may halagang LIMANG MILYONG PISO ( Php 5,000, 000.00) para sa Tilambo Multi-Purpose Cooperative sa pangunguna ni G. Crispin Berana at mga Board of Directors sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Taysan sa pangunguna ni Mayor Grande Gutierrez, Sangguniang Bayan at ng Municipal Agriculture’s Office.
Isang Kasunduan ( Memorandum of Agreement) ang naligdaan sa pagitan ng DA- LGU-TAYSAN at ng TMPC para sa Community-Based Swine Production Project through Clustering and Consolidation Project ng Department of Agriculture-National Livestock Program-International Training Center for Pig Husbandry.
Ito ang kauna-unahang na pagpapasinaya ng ganitong proyekto sa buong Pilipinas sa ilalim pa rin ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Project. Ilan sa mga layunin ng proyekto ang makapagsupply ng de-kalidad na uri ng karneng baboy gamit ang makabagong pasilidad, mai-promote and clustering sa mga backyard farmers at karagdagang kita sa mga farmer members ng kooperatiba.
Inaasahang makapaglabas ang TMPC ng 388 ulo ng finishers sa bawat taon sa loob ng tatlong taon bilang kapalit. Ito ay kasabay ng mahigpit na pagpapatupad at implementasyon ng “BABAY ASF” Program at suporta ng ating pamahalaang bayan.
Ngayong ika-3 ng Nobyembre , 2021 ay matagumpay na naipamahagi ng KAGAWARAN NG AGRIKULTURA ang 25 livestocks (15 baka at 10 kalabaw) para sa dalawampu't limang benepisyaryo nito mula sa ibat-ibang Barangay sa Bayan ng Taysan. Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pag-agapay ng ating mahal na Congresswoman ng ika- apat ng Distrito ng Batangas, Hon. Lianda Bolilia katuwang ang ating butihing Punong Bayan Hon. Grande P. Gutierrez at ang buong Sangguniang Bayan.
Ang pamamahaging Ito ay dinaluhan ng OIC Regional Executive Director ng DA CALABARZON , Ma'am Vilma Dimaculangan gayundin ng DA Livestock Program Coordinator na si Dr Jerome Cuasay upang personal na inihatid sa ating mga mamamayan ang
tulong na higit nating kinakailangan.
Tamang Ugnayan at Wastong Impormasyon
Sa gitna ng pandemya, patuloy sa pag-ahon!
DISTRIBUTION OF DA INTERVENTIONS AND PROJECT IN THE MUNICIPALITY OF TAYSAN, BATANGAS : AWARDING OF 25 LIVESTOCK 2021
TINGNAN:
JAN. 03, 2022: SEREMONYA NG PAGBABASBAS NG MAKINARYANG PANG-AGRIKULTURA MULA SA DA INTERVENTION PROJECT AT NG MGA BAGONG SASAKYAN PARA SA OPISYAL NA GAMIT NG PAMAHALAANG BAYAN NG TAYSAN, BATANGAS
Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Grande P. Gutierrez at ng Sangguniang Bayan, sa tulong, gabay at inisyatiba ng Tanggapan ng Pambayang Agrikulturista, ang nasabing proyekto ay mahusay na naisakatuparan.
Ang nasabing aktibidades ay bahagi pa rin ng programang tumutukoy sa muling pagpaparami ng baboy sa ilalim ng National Livestock Program na inasistihan ng Tanggapan ng Panglalawigang Beterinaryo upang maihatid ang programa sa Bayan ng Taysan.
Ang animnapung benipesyaryong lokal na magbababoy ay nakatanggap ng bitamina, pampurga, electrolytes, disinfectants, at mga starter at grower feeds.
Inaasahang muling pasiglahin ng nasabing programa ang industriya ng pagbababoy sa bayan ng Taysan matapos nitong makipaglaban sa hamon ng African Swine Fever.
#babayasf
Kaugnay sa Repopulation Program ng Kagawaran ng Agrikultura, matagumpay na naipahamagi ang Sandaan dalawampung biik (120) sa ating animnapung (60) lokal na magbababoy noong ika-03 ng Setyembre, 2021.
TINGNAN:
DA- PROGRAM ON COMPETITIVENESS ENHANCEMENT FUND- RICE FARMERS FINANCIAL ASSISTANCE ( RCEF- RFFA) IN THE MUNICIPALITY OF TAYSAN, BATANGAS
JANUARY 11, 2022: CLAIMS OF ASSISTANCE FOR 19 RICE FARMERS AMOUNTING TO FIVE THOUSAND PESOS EACH (5,000.00) THRU USSC BRANCH.
Ang Rice Competitiveness Enhancement Fund–Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ay isa sa mga programa ng Kagawaran ng Agrikultura bilang suporta sa mga REHISTRADONG MAGSASAKA sa ilalim ng RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture na kung saan ay naglilinang ng mas mababa sa dalawang ektarya.
Ang pondong ito ng gobyerno ay nagmumula sa labis na rice imports tarrif ng 2019 at 2020 sa ilalim ng Rice Tarrification Law.
Sa Pamamagitan ng Municipal Agriculturist ng Taysan, Engr Clarisse Comia, ipinaliwanag ang proseso at mga detalye ng programang RCEF-RFFA sa ilalim ng Kagawaran.
Binigyang-diin naman ng Municipal Administrator , Elizabeth Gutierrez , ang importansya, bigat, hamon at responsibilidad ng ating mga magsasaka kaya ganun na lamang ang suporta ng pamahaalang Bayan ng Taysan sa sektor ng agrikultura.
Iginawad sa Anim (6) na magsasakang Tayseno ang indemnity checks matapos nilang magfile ng insurance sa kanilang mga tanim na palay at gulay at mga alagang hayop na naapektuhan ng kalamidad (Bagyong Jolina ng nakaraang taon).
Pormal na inabot ni Bb. Princess Mundia , kinatawan ng Philippine Crop Insurance Corporation / Eastern Batangas ang Tinatayang nasa mahigit na Pitumpong libong pisong laan (P70,000) na kabuuang \halaga ng pinansyal na tulong ang natanggap ng anim na magsasaka.
Patuloy pa rin po paghihikayat ng Tanggapan ng Pambayang Agrikulturista na magparehistro ng ating mga magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) at magpasiguro ng knailang mga tanim at alagang hayop sa PCIC.
Mangyaring hanapin lamang si Crizel Hernandez para sa mga aplikasyon o dumiretso sa mga Agricultural Extension Worker (AEW) ng bawat banner program ng DA upang maasistihan.
#engrandengserbisyotataktayseno
#PCIC-DA2022
TINGNAN:
PAGGAGAWAD NG INDEMNITY CHECK MULA SA PCIC SA PAMAMAGITAN NG MUNICIPAL AGRICULTURIST SA BAYAN NG TAYSAN, BATANGAS
JANUARY 6.
Services
Approval of Tractor Request
Consultation of Crops
Distribution of vegetable seed and seedlings
Farmers Registration
Issuance of Animal inspection certificate
Issuance of No Objection Certificate
Issuance of Meat Inspection Certificate
Provision of Artificial Insemination Service
Provision of Walk-in Rabies Vaccination
Registration for Crop / Livestock and Farm Equipment Insurance
Releasing of Planting Materials and Fertilizer
Rural Improvement Club Children Center